Mga tao sa Africa

Ang Africa ay pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa mundo at pangalawa sa pinakapopuladong kontinente sa mundo. Ang Africa ay binubuo ng 54 na mga bansa, na siyang kinabibilangan ng hindi bababa sa 1.216 bilyong katao, at lamang na sa bilang ang mga Aprikano. Tinagurian itong "Black Country", dahil karamihan o di kaya'y halos sa populasyon nito ay mga Aprikano, o may maiitim na balat.

Ang mga Aprikano ay payak at simple lamang. Hindi sila gaya ng karamihan na marangya ang pamumuhay. Hindi sila ganoon kayayaman. Hindi sila yung tipo na gaya ng mga Amerikanong sosyal at mga magagarbo ang lahat ng kagamitan. Sila'y simple lamang. Ang kanilang mga kabahayan ay maliliit lamang. Nabibilang ang kanilang mga kagamitan sa loob ng kanilang mga kabahayan. Hindi sila nakakapunta sa
mga magagarbong malls, pagkat madalang kang makakakita ng mga malalaking malls sa kanilang kontinente. Masaya na sila sa simpleng pamumuhay, na karamiha'y sa bukid pa naniniraha't naghahanapbuhay. Hindi na sila naghahanap ng ibang mas ikasasaya pa ngunit ang makuntento sa kung anong meron sila.


Sila'y maiitim. Mas nais ng mga Aprikano ang mamuhay nang sama-sama lang kaysa sa makipaghalubilo sa iba pang mga lahi. Mas nagkakaintindihan sila kung sila-sila lang ang magkakasama. Sila'y matatag. May patriotismo at nasyonalismo ang bawat Aprikano. Hindi sila tumitiwalag sa kanilang lahi, pagkat nais nilang mabilang bilang isa, na nagkakaisa at nagkakasama-sama. Ayon din sa kanilang paniniwala, mas uunlad ang kanilang bansa kung sila-sila lang ang makikinabang sa mga likas na yaman ng kanilang bansa.





Ngunit, ang mga Aprikano, nakalulungkot mang isipin, ay nababalot ng iba't-ibang klase ng diskriminasyon. Sila'y laging nagtitiis sa iba't-ibang mga masasakit na salita na ibinabato sa kanila ng ibang mga racist. Hindi biro ang mapagsalitaan ng mga ganoong kasakit na mga salita. Hindi lang ito nakakasira ng imahe ng mga tao sa Africa, kundi maging ang pagkatao nila bilang Aprikano, nasisira din. Mali ang ganitong klase ng pangyayari. Dapat itong mawala sa lipunan, ang DISKRIMINASYON. Tama ba na husgahan mo ang isang tao dahil lang sa kanilang kulay? Hindi pupwede iyon. Napakababaw mong tao kung isa ka sa mga ganoong tao. Napakakitid ng utak mo kung ganoon. Walang taong matinong mag-isip ang nanghuhusga ng ganoon. Unang-una sa lahat, kung huhusgahan mo sila, siguraduhin mong isa ka nang perpektong tao, at imposibleng mangyari yun. Pangalawa, wala kang karapatang pagsalitaan ng kung ano-anong mga masasakit na salita ang isang tao kung wala ka namang ibang bukambibig kundi ang kanyang pisikal na kaanyuhan. Kung isa ka sa miyembro ng mga racist people, sinasabi ko sayo, baguhin mo ang paraan ng pag-iisip mo.



Ang mga Aprikano ay sadyang mababait kung tutuusin. Hindi sila mararamot. Kapag nangangailangan ang isang tao, sila'y nagbibigay kung sila'y mayroon pa. Hindi sila nagdadamutan, lalo na kung nasa barrio sila o di kaya'y sa bukid. Give and take ang sistema nila sa bukid, kadalasan. Mapagbigay silang tao, kahit na hindi sila mayayaman. Iniisip din nila ang kapakanan ng ibang tao, lalo na sa kapwa nila. Sadya silang nagtatabi ng mga suplay ng kaninang pananim upang kung sakaling may mangailangan sa barrio nila't sa kanila tumungo, may maibibigay sila. Ang mga nanghihingi'y nagbibigay din naman pabalik kapag sila'y mayroon nang panibagong suplay.

Nakakatuwang isipin na kahit simple lang ang pamumuhay ng mga Aprikano, masaya na sila sa kung anong meron sila. Ika nga naman, contentment. Sana nga'y ganoon ang lahat ng tao, na gaya ng mga Aprikanong masaya na sa mga bagay na kung anong meron sila. Sana nga.

5 komento:

  1. may mga pagbbago na po ba sa africa? like in their cultures

    TumugonBurahin
  2. Tama nga naman ang kulay ay nasa pisikal lamang kaya wala silang karapatan na manghusga dahil diyos na ang nagtakda kung anong kulay ang kanilang dadalhin sa mundong ating ginagalawan...

    TumugonBurahin
  3. heloo mga taga san antonio

    TumugonBurahin
  4. Ano Ang lihim na iniingatan ng mga tao sa Africa?

    TumugonBurahin
  5. Ano-anong mga banda sa Europa ang nakaimpluwensiya sa Africa?

    TumugonBurahin