Ang mga Aprikano ay payak at simple lamang. Hindi sila gaya ng karamihan na marangya ang pamumuhay. Hindi sila ganoon kayayaman. Hindi sila yung tipo na gaya ng mga Amerikanong sosyal at mga magagarbo ang lahat ng kagamitan. Sila'y simple lamang. Ang kanilang mga kabahayan ay maliliit lamang. Nabibilang ang kanilang mga kagamitan sa loob ng kanilang mga kabahayan. Hindi sila nakakapunta sa
mga magagarbong malls, pagkat madalang kang makakakita ng mga malalaking malls sa kanilang kontinente. Masaya na sila sa simpleng pamumuhay, na karamiha'y sa bukid pa naniniraha't naghahanapbuhay. Hindi na sila naghahanap ng ibang mas ikasasaya pa ngunit ang makuntento sa kung anong meron sila.
Sila'y maiitim. Mas nais ng mga Aprikano ang mamuhay nang sama-sama lang kaysa sa makipaghalubilo sa iba pang mga lahi. Mas nagkakaintindihan sila kung sila-sila lang ang magkakasama. Sila'y matatag. May patriotismo at nasyonalismo ang bawat Aprikano. Hindi sila tumitiwalag sa kanilang lahi, pagkat nais nilang mabilang bilang isa, na nagkakaisa at nagkakasama-sama. Ayon din sa kanilang paniniwala, mas uunlad ang kanilang bansa kung sila-sila lang ang makikinabang sa mga likas na yaman ng kanilang bansa.


Ang mga Aprikano ay sadyang mababait kung tutuusin. Hindi sila mararamot. Kapag nangangailangan ang isang tao, sila'y nagbibigay kung sila'y mayroon pa. Hindi sila nagdadamutan, lalo na kung nasa barrio sila o di kaya'y sa bukid. Give and take ang sistema nila sa bukid, kadalasan. Mapagbigay silang tao, kahit na hindi sila mayayaman. Iniisip din nila ang kapakanan ng ibang tao, lalo na sa kapwa nila. Sadya silang nagtatabi ng mga suplay ng kaninang pananim upang kung sakaling may mangailangan sa barrio nila't sa kanila tumungo, may maibibigay sila. Ang mga nanghihingi'y nagbibigay din naman pabalik kapag sila'y mayroon nang panibagong suplay.
Nakakatuwang isipin na kahit simple lang ang pamumuhay ng mga Aprikano, masaya na sila sa kung anong meron sila. Ika nga naman, contentment. Sana nga'y ganoon ang lahat ng tao, na gaya ng mga Aprikanong masaya na sa mga bagay na kung anong meron sila. Sana nga.
may mga pagbbago na po ba sa africa? like in their cultures
TumugonBurahinTama nga naman ang kulay ay nasa pisikal lamang kaya wala silang karapatan na manghusga dahil diyos na ang nagtakda kung anong kulay ang kanilang dadalhin sa mundong ating ginagalawan...
TumugonBurahinheloo mga taga san antonio
TumugonBurahinAno Ang lihim na iniingatan ng mga tao sa Africa?
TumugonBurahinAno-anong mga banda sa Europa ang nakaimpluwensiya sa Africa?
TumugonBurahin